1. Magdamit ng may disenyong bilog-bilog. Ang bilog ay nangangahulugan ng pera. Nagbibigay daw ng suwerte sa buong taon.
2. Maglagay ng maraming barya sa bulsa at alugin pagsapit ng alas dose ng gabi.
3. Magbilang ng perang papel sa harapan ng pintuan. Ang pagbilang ay papasok para raw maraming perang darating sa inyo. Gawin ito pagtunog ng alas dose ng gabi
4. Naghahanda rin ng 12 ibat-ibang bilog na prutas. Bakit labingdalawa? Palagay ko dahil may 12 buwan sa isang taon. Nangangahulugan na masagana at maunlad sa loob ng isang taon.
5. Punuin ang lalagyan ng bigas, asukal at asin at mga lalagyang ginagagamit sa araw-araw na pangangailangan. Sinasabing sagana raw sa buong taon 6.
Ang ayaw na ayaw ng aking lola ay gagastos sa bagong taon. Lahat ng alam niyan gagamitin ay binibili na bago magbagong taon.
7. Isa pa sa ayaw niya ang magbabayad ng utang sa bagong taon, dahil ang paliwanag niya ay hindi mo maiiwasan ang laging may utang.
8.Hindi ko nakakalimutan na isa sa aming inihahanda ay spaghetti. Para raw hahaba ang iyong buhay.
9. Ayon sa aking kaibigan, maglagay daw ng “money tree” sa may pintuan. Ito daw ay magdadala ng suwerte.
10. Katulad ng ibang bansa ay may putukan at kalampagan ng ano mang uri ng lata. Sinasabing ito raw panakot at pinaaalis ang mga masasamang espiritu.